This one's from the 2007 edition of "The Spires". The Spires is the official literary journal of San Beda College (the school where I finished my bachelor's degree in Philosophy & Human Resource Development. I'm part of Class 2010). I chose this poem for my second Extranjero post because it exactly relates to one of my experiences 4 years ago.
Sa Aking Karatig Dagat
Pambie Herrera
Marahil,
hindi mo na matatanggap
ang aking pagbabalik:
Dahil minsan, ikaw ay
aking nilisan nang walang
babala.
Duwag ako,
dahil iniwan ko
ang iyong kariktan
at kalaliman para
sa isang kapayakan.
Dahil ninais kong
maging mababaw.
Dahil minarapat kong
maniwala sa isang
kabalintunaan.
Dahil nawalay ako
sa iyong sisidlan.
Dahil nalula ako sa lawak
ng ating kaisahan.
Tinanggap mo na ba?
Tinatanggap mo ba?
Matatanggap mo pa ba?
Na napaso na ako
ng ibang araw?
Na nagatlaan na ako
ng ibang buwan?
Alam mo, noon pa man,
madalas akong
malunod sa iyong paanan.
At hanggang ngayon,
ang aking nagdurugong tuhod
ay nakatulos pa rin
sa lamig ng iyong
nagbabagang buhanginan.
Nagbalik ako,
hindi lamang dahil
sa lunas mong tangan.
Ngunit dahil sa simula pa man,
alam ko (at alam mo rin)
na sa pusod mo lamang
ang tangi kong
kanlungan.
(At doon, ako'y muling
mananahanan)
No comments:
Post a Comment