Thursday, April 07, 2011

Himlay

Written last September 20, 2008. (On my good friend's little notebook) Thanks, Riel! :)






Himlay



Sinabi ng mga langit,

magpapahinga sa akin ang mga tala...

At habang hawak ang liwanag,

Magliliwanag ang sanlibong pangarap

ng mga hangin na pilit umaabot

sa lamig ng pag-ihip...



Dapuan mo ako, haring araw

ng ala-ala ng mga buwan,

ng mga ulan ng paglingap...

At ako ang gagalaw,

ako ang hihimlay,

ako ang tunay...

Habang sa paglipad ko'y,

Nasaan ka?

No comments:

Post a Comment